Monday, August 29, 2016

Memorandum Circulars Nos. 3 and 4 (POEA)

Sa mga kapwa ko OFW at sa mga mag aabroad, naglabas po ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ng Memorandum Circulars Nos. 3 and 4 Series of 2016 para sa mga lisensyadong Recruitment Agencies  na ang layunin ay subaybayan at bigyan ng pansin ang mga reklamo at hinaing ng kanilang mga deployed overseas Filipino workers.

Add caption


Tuesday, August 16, 2016

Karapatan ng mga empleyado sa ilalim ng Saudi Labor Law

Dito sa Saudi Arabia kung wala kang alam sa kanilang batas maaari kang pagsamantalahan ng iyong employer.

1. Recruitment Expenses: Ang employer ay walang karapatan na maningil sa isang manggagawa na may kaugnayan sa recruitment. Ang mga bayad sa pag iisyu ng residence permit (iqama) at pagrerenew nito. Bayad sa sponsorship transfer at exit re-entry visa fees.
2. Rights of Iqama: Sa Saudi Arabia ang iqama isang permit upang manirahan sa Saudi Arabia at kailangan mo panatilihin ito sayo sa lahat ng oras. Ito ay iyong karapatan hilingin sa iyong employer kung wala kapa nito. Kung ang iyong sponsor ay hindi nagbigay sa loob ng tatlong buwan maari kang maghanap ng ibang trabaho.
3. Rights to keep your Passport : Lahat tayo ay aware na ang mga employer ang humahawak ng ating passport. Gayunpaman, ilan lang sa atin na may alam sa batas na walang karapatan ang mga employer na sila ang hahawak nito.
4. Probation Period: Ayon sa Saudi Labor Law ang probationary at dapat hihigit sa 3 buwan. Kung ang iyong employer ay humiling na pahabain, ito ay labag sa batas.
5. Nature of Contract: Mahalaga na dapat mong nauunawaan ang napapaloob sa kuntrata at kung ito ay hindi nakakaapekto sa iyong karapatan at tungkulin.
6. Working Hours and Overtime: Kahit ito ay hindi saklaw ng kontrata. Ang Saudi Labor Law ay nagtakda ng limitasyon na 48 hours maximum per week. Kung ang iyong employer ay humiling ng higit dito ikaw ay may karapatang humingi ng overtime pay.

Monday, August 15, 2016

Ang Buhay OFW sa Saudi Arabia

Siguro isa lamang ako sa mga libo libong OFW na may ganitong karanasan dito sa bansang Saudi.
Ginawa ko ang blog na ito dahil gusto kung makatulong sa kagaya ko o sa mga gusto pang mag abroad kung anong buhay mayroon dito sa Saudi Arabia. Sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig magsulat o gumawa ng blog, wala din akong alam kung paano gumawa ng blog, ginamit ko lang kung anong technology meron tayo ngayon, at saka ito lang sa tingin ko ang paraan para ilabas ang pagka-homesick ko. Alam mo naman internet lang ang pangunahing libangan dito sa Saudi. Ang lifestyle dito trabaho - accomodation lang. Makakapasyal ka lang  tuwing araw lang ng sahod, magpapadala ng pera at kakain ng lutong pinoy  sa downtown.

Sabi nga nila paswertehan lang ang pag aabroad, dahil merong employer na makatao at nakakantindi at meron din namang abusado at sarili lang ang iniisip, hindi ko alam kung ito ba ay dahil sa kultura nila o talagang ito na ang kanilang pagkatao.

Tatlumpo kaming magkakasamang dumating dito sa Saudi Arabia, mayroong firstime sa pag aabroad, meron namang ex-abroad na, Sabi ng mga galing na sa Saudi maliit daw ang bigayan 1,300 + 200 SR. Pero nainganyo kami sa kumisyon na binanggit sa amin sa orientation ng agency na nagpaalis sa amin, Minsan daw halos malaki pa ang kumisyon sa sahod. Kaya pumayag na ang karamihan sa napagkasunduang kuntrata. Kahit na may complication dito, tulad ng under wage at position title. Dahil ang nakasaad dito 1,300 + 300 SR at small truck driver ang posisyon namin. Wala na akong magawa dahil nakapagbigay na ako ng pera para sa placement fee na inutang lng sa lending  at nakapagresign na sa trabaho.

Unang araw ng pagdating namin ay pinagreport na agad kami sa main office para medical na kailangan sa pagkuha ng iqama o residence permit. Binigyan din kami ng temporary residence permit o waraga na hanggang 90 days ang effectivity. Binigyan din kami ng food allowance para makabili ng simcard at mga pangangailngan. Wala kaming sinayang na panahon at nag apply din kami na kumuha ng drivers license.

After 3 Months of probitionary na deploy kami sa iba't ibang probinsya sa Saudi, ako dito sa Jeddah napunta.
Isa akong Retail salesman sa isang malaking manufacturing company dito sa Jeddah Saudi Arabia. Ang trabaho ko ay pumupunta sa mga mini Market o bakala at mag-aalok ng aking produkto. Halos naikot ko na yata buong Jeddah sa pagaalok ng aking tinitindang produkto. Kaya naman imposeble kung di ko pa makuha ang monthly target ko. Ganito lang ang  labanan dito pasipagan at patyagaan. Yun nga lang minsan di mo agad makukuha ang inaasam na kumisyon, kasi minsan sa loob ng isang buwan mayroong mga costumer na mahirap singilin, papabalikin ka nalang sa sunod na linggo, pagkatapos ng isang linggo di naman magbabayad. Kaya ang siste stop commission ang kinalabasan, ito ang masaklap, pinagpaguran mo na...pahirapan pa makuha.

Maganda ang sistema ng kumisyon sa mga unang buwan pero habang tumatagal hindi maganda ang tinatakbo ng kumpanya at lumalala ito pa ito. Umaabot sa punto na ang kumisyon ko ay nauubus dahil sa mga kaltas na  hindi maiwasan, tulad nang short sa stock, mga  expired goods at mga nagsarang tindahan at mga di nakapagbayad na costumer. Hindi pa kasama ang mga traffic violations at unspecified deductions na others lang ang nakalagay sa payslip.
Pero sa aking pagkakaalam meron kaming budget sa expired goods, at di namin sagot ang mga nagsarang tindahan.

Ito ang naging daan upang humingi ako nang tulong sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa loob ng Jeddah Consulate General. Inihain ko ang aking reklamo laban sa kumpanya tulad ng di maipaliwanag na kaltas at ang mga paglabag ng kumpanya sa Saudi Labor Law.


Marami kaming nagreklamo noong una, hanggang umurong ang aking mga kasama at ako nalang ang natira, dahil siguro sa takot at panggigipit ng kumpanya nang napagalamang nagreklamo kami sa Consulate. Matapos pagaralan ng POLO ang aking reklamo, binigyan nila ako ng recomendation para ihain ang reklamo sa Saudi Labor and Settlement Dispute isang ahensya ng Saudi na itinalaga upang mangasiwa sa mga likramo at hinaing ng mga expatriates sa bansang Saudi Arabia.
 Matapos ang translation ng mga ibedinsya naifile ang kaso at naglabas ng subpoena ang  Ministry of Labor (MOL) para sa kumpanya.


Dahil sa ginawa kong hakbang naghigpit ang kumpanya,ko nag audit at sinaliksik ang aking mga customer kung lihetimo ang  lahat ng mga pautang at naghanap ng butas na pwedeng ibato laban sa akin.


Hindi ako nagkamali sa aking naisip, Nagsampa sila nangkaso laban sa akin sa Riyadh kung saan nakabase ang main office, na ako ay inaakusahang nagnakaw di umano ng 25,000sr.
Ginawa nila lahat ng paraan, nagpadala din sila ng notice for transfer of worker. Nakikiusap sila na pumunta ako ng Riyadh para magpatuloy ng trabaho, at babayaran ko tuwing sahod ang 25,000 SR na di umano ay ninakaw ko sa kanila. Hindi ko ito sinunod at pinagpatuloy ko ang pag attend sa mga hearing.


Ako ay pinahinto sa trabaho at hindi binigyan ng sahod, makalipas ang isang buwan isinama ako ng manager na Egyptian ang sabi may meeting daw at ibabalik ako sa trabaho. Hndi ko nadala ang aking mga document dahil ang pagkaalam ko ay sa  opisina lamang ang punta ngunit dumiretso kami sa pulis kung saan ako pala ay made-detaine.
Umabot ako nang isang linggo na nakulong, pero ako din ay nakalabas dahil sa aking nauna nang nereklamo sa MOL at ito ay iginalang ng mga pulis kaya ako ay nakalabas ng kulungan.
Itinuloy ko ang kaso hanggang umabot ng limang buwan, ang aking pamilya sa pilipinas ay nagtiis dahil sa wala akong maipadala, hndi makapag hanap ng ibang trabaho dahil pinipigil ito ng dati kong employer. Sana kung nagkaisa lang ang aking mga kasama na lumaban hanggang sa huli matatakot sa amin ng kumpanya.
Sa ngayon tapos na ang kuntrata ko dito sa Saudi ngunit nandito parin ako, ang mga dating kasama ko ay nakauwe na ang iba naman ay tinatamasa ang pagbabago ng sistema ng kumpanya dahil sa reklamo ko sa Ministry of Labor ay nakita ng kumpanyang ito na marami silang nailabag sa Labor law ng Saudi.

Featured Post

Be Work-Abroad Ready, Take the PEOS Online Now

Be Work-Abroad Ready, Take the PEOS Online Now  Are you planning to work abroad? Prepare and be work-abroad ready by taking the Pre-Employ...